Tuesday, September 15, 2009

NEWS

T.v local news

MANILA - Iminungkahi ni Speaker Prospero Nograles nitong Miyerkules sa publiko na tangkilikin ang lokal na produkto at magtipid sa paggastos ng dolyar bilang bahagi ng estratehiya upang labanan ang tumataas na inflation rate.

"Ito ay isang kampanya upang makatipid sa dolyar at mapalago ng mga lokal na industriya sa ating bansa," pahayag ni Nograles na naniniwalang mas malaki ang pag-asa ng Pilipinas kaysa sa mga kalapit na bansa para makaahon sa lumalalang krisis pang-ekonomiya sa Asya.

Ang panawagan ni Nograles na tangkilikin ang lokal na produkto ay makatutulong para mapababa ang inflation rate na doble ang itinaas nitong Hunyo, na nagtulak sa pagtaas sa presyo ng mga pagkain ng 10 hanggang 11 porsiyento.

Ang inflation rate ay pamantayan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Sinabi ni Nograles na hihilingin niya kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magpatawag ng pulong ng Ehekutibo at Lehislatura kasama ang sektor ng bangko upang bumalangkas ng mga paraan para mapababa ang inflation rate.

"Kailangang gumawa tayo ng paraan para pababain ang lebel ng inflation rate dahil hindi ito makakayanin ng mga negosyante sa Pilipinas," ayon kay Nograles

Radio foreign news

Sa okasyon ng isang taong anibersaryo ng pagyanig ng lindol, pumunta kamakailan sa Sichuan ang mga reporter ng CRI para maikober ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng purok. Napag-alaman ng mga mamamahayag na sa kabila ng mga negatibong epekto na dulot ng super-lindol noong nagdaang taon at ng kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansyal, salamat sa mga preperensyal na hakbangin ng pamahalaang lokal, masigasig ang mga bahay-kalakal na dayuhan sa pamumuhunan sa Sichuan.

Kaugnay ng mga pinaiiral na hakbangin ng pamahalaang lokal para maakit ang mga puhunang dayuhan sa pakikilahok sa rekonstruksyon ng mga pook na tinamaan ng lindol, ganito ang inilahad ni G. Yi Jun, opisyal mula sa Sichuan.

"Sa isang banda, nakipag-ugnayan kami sa mga multinasyonal na bahay-kalakal para matulungan silang magtakda ng kanilang pamumuhunanang larangan. Sa kabilang banda naman, aktibong nakipag-ugnayan din kami sa mga bansang dayuhan para magkasamang maitakda ang mga kooperatibong proyekto."

Napag-alamang bilang pagkatig sa rekonstruksyon, nahihikayat ng pamahalaang lokal ang mga bahay-kalakal na dayuhan na mamuhunan sa makinarya, piyesa ng sasakyang de motor at semento.

Ayon sa datos, inaasahang aabot sa 1.6 trilyong Yuan RMB o 230 bilyong dolyares ang buong halaga ng rekonstruksyon ng nilindol na Sichuan at maraming mangangalakal na dayuhan ang nakakita ng pagkakataong komersyal dito. Ang Ericsson ay isa sa mga ito at sinabi ng isa sa mga tagapangasiwa ng kompanya na si G. Li Yongqiang na:

"Pagkaraan ng lindol, nakita ng aming kompanya ang posibilidad at pagkakataon ng paglawak ng pamilihang Tsino, lalung lalo na sa larangan ng telekomunikasyon."

Sinabi naman ni G. Liu Xianguang, isang namamahalang tauhan mula sa Lee Kum Kee, isang multinasyonal na bahay-kalakal na gumagawa ng iba't ibang uri ng sauce na ang puhunan sa rekonstruksyon ay kapuwa kapaki-pakinabang sa kanyang kompanya at sa mga sinalantang lugar. Sinabi pa niya na:

"Sa pamumuhunan sa mga nilindol na lugar, makakatulong ito sa pamumuhay ng mga residenteng lokal at makakatulong din ito para sa aming kompanya na maghanap ng isang base ng pagsusuplay ng hilaw na materyal."

Ayon sa datos, bago maganap ang lindol, umabot sa 4149 ang bilang ng mga bahay-kalakal na dayuhan na may puhunan sa anim na pinakaapektadong purok ng Sichuan at pagkaraan naman ng kalamidad, naragdagan ng 174 ang bilang ng mga kompanyang dayuhan may puhunan sa nasabing mga pook.

Salin: Xian Jie

Radyo local news
Amateur Radio Nagbibigay Communication sa San Jose Kapag Vandals Gupitin himaymay

Sa umagang-umaga, lamang pagkatapos ng hatinggabi noong Abril 9, ang isang tao climbed down na apat na manholes sa San Jose, California na lugar sa ilalim ng lupa at hiwa hibla ng mata cable. Ang sabotahe na humantong sa lakit pagkaputol ng mga serbisyo ng telepono - kabilang ang mga sampu-sampung libo ng lupa na linya, ang isang hindi tiyak na bilang ng mga cell phone, Internet access at 911 emergency na serbisyo - mula sa timog sa Santa Clara County, pati na rin sa Santa Cruz at San Benito county. San Jose ay ang county upuan ng Santa Clara County. Gamit ang infrastructure disabled, ang mga lokal na opisyal ng Emergency Management tinatawag sa hamon ng radyo operator sa kanilang komunidad na magbigay ng back-up na komunikasyon. Ayon sa San Jose Merkuryo News, Santa Clara County na tinatawag na ang isang lokal na estado ng kagipitan, "ngunit worst-case scenario ay matagumpay na iwasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga hamon radios, door-to-door na tseke at dagdag-gising patrols." - ARRL

$ 250,000 gantimpala sa telepono cable paninira - San Francisco salaysay

No comments:

Post a Comment